A song I wrote last week :)
Pasko na naman, kay bilis ng panahon di ko man lang namalayan
Bata sa lansangan.. nangangaroling, may tansang tambourine at..
kay lamig ng simoy ng hangin..ang jacket ko’y magagamit na rin..
Chorus:
Sa Pasko, pasko kay sarap alalahanin
nang dumating ang pag-ibig mo sa akin
Pasko, pasko kay sarap alalahanin
nang dumating ang pag-ibig mo sa akin
Regalo sa Christmas tree
Walang papalit sa’yong pag-ibig
At sa iyong pagdating, nagbago ang paningin, puso’t damdamin
Bawa’t isa ay nagbibigayan
At ang lahat ay nakangiti
Repeat Chorus
Bridge:
Bakit ba magmumukmok sa isang tabi
Ibinuhos na pagmamahal, luha’y mapapawi
Hallelujah! Ang Pasko ay nandito na
Hallelujah! Hesus ang pangalan niya
Hallelujah! Ang Pasko ay nandito na
Halleljah! Araw-araw ang pasko pagka’t nandito ka :)
Araw-araw ang Pasko pagka’t nandito ka :)
I’ll post our live performance of this song at soak sessions 2nd week of December :) yey!


akong marinig ito. m>u